
Ang DZMM Radyo Patrol 630 (dating Radyo 630) ay isang istasyon ng radyo na pagmamay-ari ng Philippine Collective Media Corporation at pinamamahalaan ng Media Serbisyo Production Corporation kasama ang ABS-CBN. Nakatuon ito sa balita, public service, at talk programming sa wikang Filipino. Ang himpilan ay muling binuhay ang iconic na DZMM callsign noong Mayo 29, 2025.